Wednesday, August 09, 2006

Thursday, August 03, 2006

Ang Pagkikitang Muli*

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi maipaliwanag na dahilan, muli na namang nagkrus ng landas ang ilang elemento ng batch 11. Kaharap ang ilang bote ng beer at ilang plato ng pulutan, muling sinasariwa ang nakaraan at nagbabahaginan ng kasalukuyan. Present sa pagtitipong ito sila Andrew, Angelo, Mia, Raygan, Karl at Raymond na nagtriple na ang timbang mula ng magkahiwa-hiwalay ng landas ang buong batch. Andito din si Denden, saling-pusa. Sa saliw ng RnB at halakhakan ng magkakabatch, matiyaga nilang hinihintay sila Jenny at Ate Phanie…

Pulutan ngayon sa usapan ang kotse ni Angelo at ang pasikot-sikot ng mga kanya-kanyang trabaho…

Medyo natigil ang pagsulat na ito dahil sumingit si Raymond, nagdownload ng bitcomet at nag-update ng NBA.

Interruption:

Raygan: 20 minutes na lang, dadating na si Jenny…

Ngayon, nagtatalo-talo na kung sino ang magluluto ng hamon….Makalipas ang 20 minuto, nagtuturuan pa rin…at wala pa rin si Jenny at Ate Phanie.

Nagyayaya na sa Timog si Angelo…pero nauwi ang lahat tungkol sa kotse ni Angelo…


Interruption:

Andrew: sa Sabado, kala Memen tayo, sa Cainta, Karangalan Village
Raymond: sa Pasig pa iyon
Raygan: de, boundary pa yun…sa kabila yun, Cainta na iyon
Raymond: Ibig sabihin, yung junction, boundary na yun.
Tawewen (kuya ni Regz): Aryo, ay tingnan natin kung sino ang na-evict sa PBB

At ngayon, nauwi na ang usapan sa PBB…

Mia: Karl, dito ka…
Karl: de, sige laang (dahil ginagawa pa ito)
Si Mia, nag-a-update na ng status nya…

AT DUMATING NA SI JENNY!!! Sa wakas…

Andrew: kaya pala nanahimik si Angelo
Mia (to Angelo): dito ka da, tabi kayo ni Jenny…bilis na…
At nagtabi na po si Jenny at Angelo
Regz: kinikilig si Angelo…kamukha pa naman ni Sam Milby…
Lahat: hahahahahahaha!!!
Jenny: Di ba ga one way lang ang Piy Margal?
Raygan, Andrew at Raymond: ay bakit si Father de mo kinakausap??? Oooopps, napapayosi na lang
Jenny: Anong pinagkakaabalahan mo jan Karl?
Lahat: yung blog!!!
Jenny: si Panyang?
Denden: nasa taas
Karl: susunduin pa
Andrew: Ang problema, pupunta pa si Billy dito!
Jenny: Hala ang ganda ko naman!
Andrew: Paganda! Ay ikaw, kumusta naman ang lovelife mo? (kay Raymond)
Raymond: ayos laang

At naikot na sa lovelife ni Raymond!!!

Denden: si Ate Phanie?
Karl: Si Raymond ang katext!
Andrew: Anong pangalan ng GF mo, Raymond?
Raymond: Lori
Jenny: Aba umiinom na pati siya (Raymond). Samantalang dati, niyayakap-
yakap ka lang namin
Raymond: Ay pwede mo lang akong yakapin ulit
Lahat: hahahahahaha

Haay naku, pasakit ito…ang hirap I-update nitong blog lalo na’t paikot-ikot ang usapan…Wala pa din si Ate Phanie

Dumating na…si Billy!!! At sya ang topic ngayon…

After an hour, dumating na din si Ate Phanie…dahil nagbihis pa daw, etc…

Raygan: Akaw para nang adik si Ate Phanie! Gawa tayo ng campaign, Save Ate Phanie Against Addiction!

Sorry blog…di na ako makafollow…ang saya na kasi dito. May nafloat na suggestion na mag reunion sa December, what do you think guys?

Nagrereminisce na ng elementary and highschool days. Si Raymond, naglalabas ng angas dahil de nagka-honor nung HS.

Denden: “Hail Mount Carmel Hail To thee”
Lahat: hahahahaha
Angelo: Bakit momoy umaalis ka pag iyo na ang tagay?
Raymond: De, naiihi ako…

At marami pang nangyari…sa katunayan, di ko na rin nasabayan ang kasiyahan

>>nagkasya na si Raymond & Andrew sa couch
>>kumakanta si Father ng mga kanta ng Aegis habang masama ang tingin kay Jenny
>>si Raymond, mas mahal daw si Luningning kaysa kay Ka Guada
>>ginawa ng disco house ni Ate Phanie, Mia at Jenny ang bahay
>>si Billy, nagkwento ng lovelife. Ang trivia, nag-audition daw siya sa Pinoy Big Brother


>>at si Denden, tumar na
========================================================================================================================================


*pasensya na kung ngayon lang naipost. Ganun talaga, naging busy na ang lahat. Sa ibang mga di nakasama, mamatay na lang kayo sa inggit! Pero pwede pa namang humabol!

Next month, sa August, kasama na sila Irma, Renia, at Gerardo. Abangan na lang ang announcement ng detalye.

Kaya email na lang for confirmation. Meron na palang email ang batch natin para mas masaya:
karl.fatale@gmail.com