Tuesday, January 23, 2007

back on track

yehey, buhay na naman ang blog na ito! at last, after ilang months na pagiging idle, balik na naman tayo sa masiglang mundo ng blogging.

well, dapat lang talagang maging masigla ang blog na ito lalo pa't naging masigla ang nagdaang taon para sa batch natin. mangolekta tayo ng maraming engineers (na ang ilan ay nasa ibang bansa na) at marami sa atin ang tila di na mapigilan sa paglipad ng mga piniling propesyon.

pero ano't ano pa man, babalik at babalik pa rin tayo sa ating pinanggalingan, ano mang alaala meron tayo dito. kasabay nito, sa feb 4-11 (di ko sure kung tama) ay isasagawa ang grand alumni homecoming para sa selebrasyon ng ika-25 years ng ating alma mater. pwedeng ilagay sa chat box kung me mga tanong para sa selebrasyon.

paalaala lang, kasabay ng selebrasyong ito, isang dekada na rin ang lumipas ng mamaalam tayo sa aurora national science high school. kaya parang it really calls for a celebration.

anyway, bilang patikim, ito ang ilan sa mga pics mula sa arkibo ni penpen