kung ang mga celebrities ay may kani-kanilang pinasikat na mga linya, hindi patatalo dyan ang batch 11...anyway, celebrity naman tayo di ba? ...yun nga lang, in our own rights...hehe
narito ang ilang mga naaalala kong linya (kasama ang kanilang titulong pang MMK):
- Tuluy!
PREVIEW:
naisipan ng batch 11 na magpiknik bago tuluyang matuldukan ang kanilang high school life. planado na ang lahat, ang usapan, the show must go on, anuman ang mangyari, kahit pa sa isang araw ay graduation day na.
ngunit, ang inaakala nilang pulidong plano ay biglang napurnada. tila sa sobrang ka-excited-an, merong mga di nakapagpigil sa sarili at naibulalas ang plano... sa pinakabawal na lugar, tawagin na lang nating...........dorm.
habang ang iba ay abala sa paghihintayan sa kitaan (sa tapat ng RCPI ngayon), naging mabilis ang mga pangyayari...natagpuan na lang nila ang kanilang sarili, sa principal's office...
"hu, hu, hu...mga anak ko, bakit nyu aku ginaganitu, huhuhu..." sabi ng kanilang butihing prinsipal, with matching pabatu-batu ng susi...
habang todo-bigay sa pagdadrama, ala-nora aunor ang iyakin ( na oversuperdupermegaover overacting exaggerated na), daig pa ang nanood ng pinakamagandang comedy film ever sa katatawa ang batch 11...sa katunayan, gusto nga nilang bigyan ng award ang drama queen na ito, bilang best comedy actress...
sa gitna ng drama/comedy/declamation, "o anu, mga anak ku, tutuluy pa kayu?"
and the rest is history...
- Gud Morning!
PREVIEW:
first day ng class, excited ang lahat...syempre, unang araw sa high school, maraming bago...bago ang environment, bago ang mga friends and enemies, bagong damit, sapatos, bagong mukha...basta lahat bago, except yung bago nilang classroom, na luma na at butas-butas pa ng mga panahong iyon...kamalig
syempre pasikatan ang drama...pero aminin man o hinde, kinakabahan ang lahat...habang papalapit na ang oras, di na mapakali ang lahat...hanggang sa...sumapit na ang..
"Good Morning class!" sabi ng pumasok na payat na babae...
"Good morning, Mrs. Picart!" sabi ng lahat,
except si ________, (Good Morning, Mrs. PEkart!) na syang may pinakamalakas na boses nung mga panahong yon.
clue: tanong mo ke raymond...hehehe
Posted by
aneurysm |
10:26 PM